Umpisahan na ninyo ngayon ang pag-aaral ng Ingles!
தமிழ் : हिन्दी : tiếng Việt : Tagalog
TeacherTom.com home page


A Filipino overview of English study

Alamin ang Wikang Ingles sa TeacherTom.com.

Ang TeacherTom.com ay pangunahing namamahagi ng mahuhusay na Produkto sa Online na Edukasyon.

Ang ‘Alamin ang Wikang Ingles’ ay isang magagamit na instrumento ng interaktibong pag-aaral na binuo ng mga dalubhasa at mga guro ng wikang Ingles upang magturo ng online na Ingles.

Dinisenyo ito para sa mga limitado o walang alam sa wikang Ingles, ngunit maaari rin nitong sabayan ang tradisyonal na harapang pagtuturo o gawin itong suplemento, na magdudulot ng kaalaman, mga teknik at kumpiyansa sa lahat ng mag-aaral upang makipag-usap sa mga nagsasalita ng Ingles sa ilang mga antas. Ang mga mag-aaral ay makukuhang mag-order ng isang tasa ng tsaa sa London o mag-aplay ng trabaho sa Australya! 

Kahit nag-uumpisa pa lamang kayong matuto, nagnanais na pagbutihin ang inyong angking galing sa Ingles para sa inyong sarili o naghahangad siguro na buksan ang isipan ng inyong anak sa mas malawak na kaalaman, ang ‘Alamin ang Wikang Ingles’ ay:

  • magdudulot ng mas higit na pagkakataon upang makapaghanapbuhay at makapag-aral sa mga bansang ang gamit na salita ay Ingles;
  • maghahanda sa mga mag-aaral sa kanilang pagkuha ng test sa ilalim ng mga sistema ng pagsusulit sa wikang Ingles na kinikilala sa buong mundo gaya ng IELTS o TOEFL, na dinisenyo para sa mga taong naghahangad na mag-aral o magtrabaho sa mga bansang ang wika ng komunikasyon ay Ingles;
  • magpapaalala at magpapabuti ng angking galing sa wikang Ingles o sasabayan ang kasalukuyang mga aralin sa wikang Ingles;
  • magbibigay sa mga mag-aaral ng kumpiyansa upang makaya ang lahat ng uri ng sitwasyon kung saan ang kaalaman sa Ingles ay maaaring praktikal, mas angkop o kinakailangan; at
  • magpapalawak sa kamulatan ng mag-aaral sa kultura.

Kalimitang sinasabi na ang wikang Ingles ay isa sa pinakamahirap na wika na matutunan. Pinabubulaanan ng aming programang ‘Alamin ang Wikang Ingles’ ang paniniwalang ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng:

  • mga pagtuturong interaktibo at may partisipasyon mula sa mag-aaral, na ipinapakita sa mga pamilyar na sitwasyon na naranasan na ng mga mag-aaral tulad ng pagbibiyahe at sport o paggugugol ng panahon sa pamilya at mga kaibigan; 
  • video na mapapanood ninyo at maririnig ang mga salitang binibigkas;
  • mga pagkakataon na mai-tape at mapakinggan ang inyong boses; at
  • mga gamit sa pagtatasa upang masukat ang inyong progreso at tagumpay.

Makikita ng mga bata at matatanda na ang ‘Alamin ang Wikang Ingles’ ay isang mahalagang instrumento sa pag-aaral ng Ingles bilang pangalawang wika.

14 Day Money Back Guarantee!

TeacherTom.com offers a 14 day Unconditional Money Back Guarantee. If you are not entirely satisfied, simply contact TeacherTom.com within the 14 days and we will refund your subscription in full.

  1. Sign up today for instant access.
  2. Then simply login as a member through the TeacherTom.com website.
  3. Start learning today!

© Copyright 2007 TeacherTom.com Pty Ltd
“TeacherTom makes learning at home easy and affordable, and gives you a selection of courses to choose from, so no more excuses for bad grades! Enroll right now!” – Teacher Tom
© TeacherTom.com